Saturday, January 18, 2020

PANALANGIN NG PAGPAPAKUMBABA, PAHAYAG NG KASALANAN, PAGHINGI NG KAPATAWARAN AT AWA

PureVPN

Ang katarungan ay iginawad ng sangkaitaas - taasan ng kabanal - banalang nilikha mula sa Kalangitan, Kalupaan, Kaliwanagan o Apoy, Katubigan, Kaluluwa o Holy Spirit, Hukuman ng Katarungan o Tribunal of Mercy, Hades Kamatayan at Detainee sa Purgatoryo.
Sa panahon ng kadiliman, ano ang halaga ng yaman.
Ano ang matatamo ng lupang pinagyaman.
Ang kanilang pinatabang tupa, baka at pastulan kung ito ay masusunog sa alab ng apoy.
Anong halaga ng kanilang karawahe, sandata, tabak, mga pana at lakas ng mandirigma, laban sa Kanyang laksang nilalang.
Mga kababaihan mabuti pa ang hindi magka-anak o ang magpainom ng gatas sa araw na iyon, sa kaguluhang iyong madaratal ang panaghoy ng kanilang mga puso.
Mga hinagpis ng kanilang mga kaluluwa tila pinagsakloban ng langit, lupa, tubig, apoy, kamatayan at hatol ng hukuman ng katarungan.
Ito namang maawaing Diyos, aming Ama, aming Panginoon nagpadala ng mensahe ng pag-asa mula sa angel, guardian angel, archangel, seraphim, kerubin at nympha.
Kung sila ay magbabago at magsisisi ng lubos.
Mga Israelita at Juda sa inyong lipi Kanyang itinuro ang tipan ng Diyos na siyang may likha ng lahat ng nakikita at hindi - nakikita, naririnig at hindi - naririnig, mararamdaman at hindi mararamdaman.
Sa banal na lugar na iyon, sa Kanya ay walang sinumang makapagmamalaki.
Ganoon sa alabok ang iyong mga sangkap.
Sa tubig ika'y inihugis ng Kanyang kawangis.
Sa bigay Niyang hangin, ika'y nagkabuhay.
Sa Espiritu Santo ika'y nakiisa sa Akin.
At sa Apoy ika'y dumalisay at nalinis ang iyong isip, puso at kaluluwa.
Sa lugar na Iyong itinalaga na kung saan ang mga banal, santo at santa, mga angel, guardian angel at mga archangel, seraphim, kerubin, nympha at marami pang iba ay nagkakatipon.
Sa dakong lugar na iyon, ang muog, sahig, pader, mga haligi, mga kagamitan, at maging tubig na dumadaloy ay nagsipagbanal.

Aming Ama ng Awa, aming Diyos at aming Panginoon na may gawa ng langit, lupa, tubig, apoy at marami pang iba.
Tulungan ninyo kami at aming mga lipi.
Ang iyong kalooban, sa amin nawa'y mahabag.
Sa aming mga kasalanan at ng aming mga ninuno nawa'y inyong patawarin.
Ipahayag nawa Ninyo, kung ano ang aming nararapat gawin.

Alam o Batid namin ang kalabisang ginawa namin.
Ilayo po Ninyo kami sa apoy ng alab, sa walang hanggang kaparusahan.
Pinangunahan namin ang Iyong kalooban, na naging dahilan ng Inyong kagalitan.
Benaliwala namin ang Iyong pahayag ng kaligtasan, bagkus nagmatigas ang aming mga puso.
At kinalaban ang Inyong maawaing puso na handang magpatawad.
Tulungan ninyong matanaw ang hiwaga ng Inyong Awa at Pag-ibig sa Inyong nilalang.
Ilingon ninyo ang Iyong maawaing kalooban sa aba mong lingkod.
Binigyan mo kami ng karunungan, subalit ginamit namin sa kalabisan at kasamaan.
Tulungan Mo po kami na maituwid ang aming landasin, na kami rin ang may kasalanan.
Sapat ba ang magpagal at dagukan ang aming kalooban.
Ano po ba ang aming pambayad kasalanan sa mga nasirang buhay dahil sa aming katampalasanan
Sa mga walang malay na nadamay dahil sa aming kasakiman.
Sa mga bagay na hindi dapat naming pagnasahan, sa kataksilan na naging pahirap sa aming kapwa.
Sa aming pagkamakasarili, na naghatid sa aming kapwa sa apoy ng kaparusahang walang katapusan.
Sa aming gawaing haliparot na naghatid sa amin sa katampalasanan at karamdaman.
Patawarin mo kami na Inyong mga abang tauhan, lingkod at nilalang.
Turuan Mo po kaming manikluhod sa Iyong bukal ng Awa, bilang pagpapakababa ng aming mga puso.
Ang aming karumihan na walang sino man ang makakapaglinis kundi Kayo lang Panginoon, aming Ama, aming Diyos na aming Tagapagligtas.
Aming Walang Hanggang Ama ng Awa  na naglalang ng lahat na nasa sangkalawakan / sansinukod.
Kaming Iyong lingkod at liping hinirang, na nabulid ng Emperador.
Sa kapulungan ng kataksilan kami ay nalikluhod.
Itong aming mga pinuno kaydaling nalinlang ni Kasamaan at nina Reyna Haliparot.
Nilimot namin ang Iyong tapat na tipan sa Iyong nilikha.
Kaya kami ay Iyong tinanong, Tunay ba ang iyong Diyos?
Tulungan Mo po kami at turuan na makapasa sa mga ibinibigay ninyong mga pagsusulit at pagpapalinis, pagpapadalisay ng isip, puso at kaluluwa.
Turuan Mo po kami, halintulad ng ginawa ng aming mga ninuno na sina adan, abraham, isaac, jacob, samuel, noah, daniel, labing - isang lipi ng israel, juda, moises, elias, eliseo, mga lingkod, tauhan at alagad, mga hari at reyna, mga propeta, mga apostol, mga hukom, at mga nagsipagbanal.
Nawa'y sa pamamagitan nito, ay makamtan namin ang lubos mong pagpapatawad at muling ibilang isa sa mga iyong Anak at Kaibigan kung hindi man kaisa bilang mga tauhan, lingkod at kawal na mga angel, guardian angel, mga archangel, seraphim, kerubin at nympha na Iyong kaharian at pamayanan laban sa mga alagad at kaharian nina Kasamaan at Reyna Haliparot.
Tulungan Mo po kaming lahat na magkaisa. Iligtas Mo po ang aming mga kaluluwa. Matupad nawa sa amin ang Inyong tipan at pangako sa aming mga lipi.

Purihin ang Panginoon, aming Ama at aming Diyos ng Awa ngayon at magpasawalang - hanggan. Amen.


PureVPN

No comments:

Post a Comment