Saturday, January 18, 2020

Panalangin Para Sa Sakit at Karamdaman

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.... AMEN....

AMA NAMIN

Ama namin, nasa sa Kaitaas – taasan. Sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin, sundin nawa ang iyong kalooban dito sa *lupa (kalupaan) tulad ng sa sangkataas – taasan.Makiisa at makasama nawa kami sa inyong kaharian.Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw – araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming iharap  sa mahigpit na pagsubok,  at iligtas mo kami laban kay Kasamaan at Reyna Haliparot!

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at kapurihan, magpakailanman.

AMEN….

ABA PO, MARIA

Aba po, MARIA/MARY napupuno KA ng grasya, ang PANGINOONG DIYOS AMA ay sumasainyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong mga ANAK at si HESUS.

GRUPO ng SANTA MARIA/MARY, Ina ng DIYOS, kaisa ng WALANG HANGGANG AMA NG AWA, aming Panginoon, aming Diyos, ipanalangin at tulungan Mo po kaming makasalanan, iligtas Mo po ang aming mga kaluluwa, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggang.... Siya Nawa....

Bisitahin mo po kami, Panginoong Jesukristo, Santa Maria Perpetual Help, at San Raphael Archangel kasama ang mga banal na santo at santa na inyong lingkod at alagad na sina San Benito, San Padre Pio, San Antonio de Padua, San Francis ng Assisi, Santa Ynes, Santa Agnes, Santa Cecilia, Santa Rosa Rosal, Santa Agatha, Santa Maria Christiana, Santa Brigette, Santa Phelomina at marami pang iba. Kamahal-mahalang at may kababaang-loob, ng mga banal na puso at awa sa mga karamdaman at sakit. Inyo pong alisin ang mga humahadlang sa mga daanan ng dugo, tubig at hangin. Tunawin po ninyo ang mga bukol at tumor sa aming katawan. Linisin po ninyo ang mga basura at toxin sa aming kidney, pancreas, stomach, large at small intestine. Humihingi po kami na pahintulot na masalinan ng inyong Banal at Makapangyarihan na Dugo at Tubig upang bigyan pa muli ng pagkakataon na mabuhay. Bigyan mo po kami ng Donor sa mga bahagi ng aming katawan na hindi na gumagana o malfuction na kinakailangan ng transplant procedure. Buksan po ninyo ang aming mga mata upang kayo ay aming makita. Buksan po ninyo ang aming mga tainga upang ang mga gabay at turo ng inyong salita ay aming marinig. Buksan po ninyo ang aming mga boses upang kami ay makapagsalita at makipagtalastasan sa inyo. Panginoong Jesukristo sinabi po ninyo na kapag may dalawa, tatlo o grupong magkakasama sa mga panalangin at pagtitipon ay naroroon kayo, at mapapalakas ninyo ang inyong kapangyarihan ganoon rin ang inyong spirit light energy sa pagpapagaling ng may karamdaman at sakit. Pagalingin at linisin po ninyo ang aking bahagi ng katawan na natuyo at humahadlang upang makaramdam ng sakit at hapdi sa aking pag-ihi. Paghilumin po ninyo ang aming mga sugat, Panginoong Jesukristo kasama si Archangel Raphael at mga banal na santo at santa, mga lingkod, alagad at hukbo ng manggagamot. Tanggalin po ninyo sa aming katawan ang mga genetic hereditary errors na naging dahilan ng aming mga karamdaman at sakit. Patayin po ninyo ang mga masasamang bacteria, virus at fungi sa balat. Inyo pong linisin, Panginoong Jesukristo. Palakasin po ninyo ang aming enerhiya upang makakilos at makagawa ng iyong mga Banal na Kalooban at Dalisay na Kautusan. Sabihin po ninyo ang mga karapat-dapat na aming kainin at inomin upang humaba pa ang aming buhay at makasama pa namin ang aming mahal sa buhay na kapamilya at kaibigan. 

Panginoong Jesukristo, ako po ay nangangako na kapag ako ay iyong pagalingin sa aking karamdaman at sakit, ako po ay sasali sa inyong organization na pangsimbahan ng may buong isip, puso at kaluluwa na maglilingkod sa inyong mga mamamayan lalong lalo na ang kabataan at inyong kaharian ganoon din ng inyong pamayanan. Isasama ko rin ang aking buong kapamilya at kaibigan sa paglilingkod sa inyo. Iniaalay ko po ang lahat ng aking mga panalangin, ang kakayahang makatulong, ang maibahagi ng aking talento, kayamanan at panahon sa lahat ng nangangailangan. Panginoon Jesukristo, maglilingkod po 
ako ng may kaligayahan at bukas na puso. Hayaan po ninyo, gawing magaan ang lahat ng aming buhatin na responsibility sa tulong ng iyong maunawaing at awa ganoon rin ng inyong mapagkakatiwalaan at nagkakaisang hukbo ng mga banal na santo at santa na inyong mga tapat na lingkod at alagad, ganoon rin ang inyong maunawaing kapamilya at mapagkalingang kaibigan. Ipinapanalangin ko rin po, na ako ___________ ( Bangitin ang pangalan ) ay makasama o makasali sa paglilingkod ng inyong kaharian at pamayanan batay sa aking kakayahan, batay sa kung anong available na divine mission o task, batay sa kakayahan na ituturo po ninyo at sa batay na available na bakante na trabaho. Ibig ko rin po na mamuhay na kasa-kasama mo sa inyong kaharian at pamayanan na may kalasag, kapayapaan, kalayaan, karapatan, pagkakaisa, kaunlaran, kalusugan, na may tunay na kaligayahan, pagmamahal o pag-ibig, karunungan o katalinuhan at tiwala o pananampalataya kasama ang ating Hari, ating Panginoon, ating Diyos, ating Kataas-taasang Ama ng Awa.

Panginoon, bigyan po ninyo ng lunas ang sakit o karamdaman ni Reyna Haliparot dahilan ng kanyang kalaswaan, gawaing kabastusan at gawaing makalaman na nagpaparumi sa ating katawan, ganoon rin sa ating isipan, puso at kaluluwa. Turuan po ninyo kami na maging tapat ang aming mga katipan na iniirog o asawa, ama at ina upang hindi kami mahawa sa nakamamatay na sakit at karamdaman na tulad ng STD, UTI, HIV at higit sa lahat AIDS. Ilayo mo kami at ang aming katipan na iniirog o ang aming asawa ganoon rin ang aming ama at ina na matukso sa kahalayan. Pagkaisahin po ninyo kami ng aming pamilya at ipaala-ala ang mga kasamaan at consequences ng broken family o ng may pamilya sa labas ng sagradong ng kasal. Gabayan po ninyo kami, ang aming katipan na iniirog, ang aming asawa, ganoon rin ang aming anak, ama at ina na magkaroon ng banal na pagkaunawa at ipaglaban ang pamilya sa lahat ng gustong sumira nito, kung kinakailangan buhay ang kapalit ng mga sumisira ng Banal na Pamilya. Tulungan po ninyo kami na maging malinis dalisay, tunay, tapat at totoo upang maiwasan ang sakit at karamdaman na dulot nito. Ganoon rin po turuan ninyo rin kami na maging mapagmahal o mapagkalinga sa isat-isa, tunay na kaligayahan na kayo Panginoon Jesukristo ganoon rin ng buong hukbo ng mga banal na santo at santa na inyong mga tapat na lingkod at alagad ay aming kasa-kasama sa paglalakbay sa buhay at pagtatanggol sa inyong kaharian at pamayanan. Itinatakwil at pinahihintulutan po namin na sila ay dakpin o hulihin at iharap ng kaso sa Hukuman ng Katarungan at Tribunal of Mercy upang hindi makapanggulo at huwag hayaan na pahintulutan na ipagkanulo ang aming buhay at manatili na buo at pagkakaisa, sagradong pagsasama ganoon din ang pagtaksilan ang aming kapamilya. Kami po sana ay inyong anyayahan at isali sa mga grupo na makakatulong upang kami, aming kapamilya ay maging malago, siksik at umaapaw na kasiyahan at kaunlaran, ganoon din po, San Valentino at San Nicholas turuan po ninyo kami ng tunay na pagmamahal o bukal sa loob na pagbibigay sa kapwa at sa nangangailangan na may kaligayahan sa aming mga puso. Turuan rin po ninyo ako, Maria Dela Rosa, Maria Merdugorje, Maria Guadalupe, Santa Joan ng Arch, Santa Katalina ng Siena, Santa Anastasia at San Juan Bautista kasama ang inyong mga banal na lingkod at alagad upang kami'y patatagin at palakasin ang aming tiwala at pananampalataya sa ating Diyos Ama sa panahon na kami ay nag-aalinlangan. Ganoon din ang gabayan at turuan mo po kami na masunod namin ang kalooban at kautusan. Batid namin ito ay para sa aming kabutihan at higit sa lahat aming kaligtasan....

Tinatanggap ko na po ng buong puso ang inyong pagpapagaling sa aking karamdaman at sakit at pagpapasalamat sa lahat ng tulong na nagawa ninyo sa aking pamilya at sambayanan upang kami ay mamuhay na magkakasama at may katapatan sa isa't-isa. Panginoon, gabayan po ninyo ang aming sambayanan at lipi na makabalik papunta sa inyong kaharian at pamayanan, sa piling ng ninyong Sagrado at Banal na Pamilya.... AMEN.



Papuri at Pasalamat sa Inyo, ganoon din ang Kaluwalhatian magpakailanman, AMING WALANG HANGGANG AMA NG AWA, INA, ANAK AT ESPIRITU SANTO.... Kapara ng unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang-hanggan.... 

( Ulitin ng Tatlong Beses ) 

Siya Nawa....

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.... AMEN....

No comments:

Post a Comment