AMA NAMIN
Ama namin, nasa sa Kaitaas – taasan. Sambahin nawa ang pangalan mo. Ikaw nawa ang maghari sa amin, sundin nawa ang iyong kalooban dito sa *lupa (kalupaan) tulad ng sa sangkataas – taasan. Makiisa at makasama nawa kami sa inyong kaharian. Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw – araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok at iligtas mo kami laban kay Kasamaan at Reyna Haliparot! Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at kapurihan, magpakailanman. AMEN….ABA PO, MARIA
Aba po Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. AMEN….
Aming Panginoon, Aming Diyos, Aming Hari at Aming Ama ng Awa, kaisa ang “GRUPO NG LIGA NG MGA HUKBO NG KABUTIHAN” at ng lahat ng nasasakupang kaharian at pamayanan. Kasama ang Grupo ng mga MARIA / MARY, kanilang mga asawa at mga anak lalong-lalo na ang Banal na Kapamilya nina Maria at Jose, ang kanilang mga anak, na kapatid naman ni Hesus na aming Tagapagtanggol. Pagpalain at bigyan po ninyo kami ng aming mga pangangailangan upang maiparating sa lahat ng mga kababayan ang Inyong MENSAHE ng PAG-ASA at PLANO NG KALIGTASAN. Upang maitaguyod ang ating Pamilya at ating Bayan na may Proteksyon at Seguridad, Masayang Kapaligiran at may Pagkakaisa o Pagtutulungan sa Isa’t-isa. Upang magkaroon ng proseso ng Pagpapatawad at magkaroon ng BANAL NA AWA ng sa ganoon ay magkaroon ng Kaayusan at Kapayapaan Pamahalaanan at turuan po ninyo kami ng kagandahang asal o ugali upang maiwasan ang kasalanan, kataksilan at kasamaan ganoon din naman maging karapat-dapat sa Inyong Harapan at sa lahat ng aming nakakadaum-palad, sa lahat ng panahon, sa lahat ng lugar. Ang katotohanan tungkol sa Kalipunan ng mga Diyos, Hukuman ng Katarungan o Tribunal ng Awa, sa mga kaluluwa na naka-detain sa anim na lugar na mas-kilala bilang Purgatoryo, ang mga pahirap sa Apoy ng Kulungan ng Inferno, at ang tungkol sa hatol na Kamatayan sa Hades - Underworld. Hinihiling ko pong ako’y Inyong Pagpalain. Gabayan po Ninyo ako kung paano ipagtatanggol ang sarili at kapwa laban sa mga gawa at panalangin ng mga lingkod at alagad nina KASAMAAN at ni HALIPAROT sa pamamagitan ng disiplina ng MARTIAL ARTS o SELF-DEFENSE. Tulungan po Ninyo kami na mapalakas ang aming physical at spiritual na kapangyarihan ganoon din ang paggamit ng Enerhiya ng Espiriwal na LIwanag, ng mga sagradong banal na kapangyarihan ng elementong brinyantes na bato o hiyas at ng mga sakramento. Bigyan po Ninyo ako ng KALASAG ng Seguridad at Proteksyon. Isang T-SHIRT ng Pananampalataya upang manatiling Tapat at Mapagkakatiwalaan. SANDATA ng Kaligtasan at Katarungan. Isang pares ng GUWANTES SA KAMAY ng Pagkalingan sa Kapwa. Isang pares ng MEDYAS AT TSINELAS O SAPATOS upang makalakad sa paglalakbay sa landas ng buhay. Isang HELMETS ng Karunungan. Isang ARMOR ng Pag-ibig o Pagmamahal. Isang PANLOOB NA KASUUTAN AT PANTALON ng Pagpapakumbaba upang mapanatili ang kalinisan at kadalisayan ng isip, puso at kaluluwa. Mga BANAL NA KAGAMITAN tulad ng SINGSING, HIKAW, MEDALYON, ARM BANDS O ARMLET, RELO, PULSERAS at marami pang iba upang magamit sa paglilingkod sa Inyong Kaharian at Pamayanan higit sa lahat sa Iyo aming Panginoong Diyos Ama ng Awa. Nawa'y ipadala Mo po sa amin ang Inyong tapat na banal na lingkod at alagad na “GRUPO NG LIGA NG MGA HUKBO NG KABUTIHAN” tulad ng mga Arkangel, Seraphim, Kerubin, Nympha, Lambda, Grupo ng mga Maria / Mary, ng mga Santo at Santa, ng mga Apostol at marami pang iba. Lalong-lalo na sina Saint Catherine of Alexandria, Saint Ferdinand, Saint Isidro the Farmer, Saint Anne, Saint Benito at Saint Niño the Child, Saint Benaventure, Mary Immaculate Conception, Mary Perpetual Help, Saint Niña Maria, Maria Amelia - Our Lady of Sorrows, Our Lady of the Most Holy Rosary, Saint John the Baptist, Blessed Virgin Mary - Queen of the World, Saint Emmaus - Our Lady of the Angels, Our Lady of Peace and Good Voyage, Saint Roche Rocco, Saint Louis - Bishop of Tolouse, Saint Vincent Ferrer, The Holy Face of Jesus of Saint Veronica, Saint Francis of Assisi, Saint Pedro Calungsod, Saint Pedro Bautista, Saint John Bosco, Saint Anthony de Padua, Saint Jude and Saint John Thaddeus, Maria Fatima, Maria Lourdes, Maria Manaoag, Maria Dolores, Maria Dolorosa, Maria Christiana, Maria Merdugorje, Maria Guadalupe, Saint Agatha, Saint Philomena, Saint Ynes, Saint Edward, Saint Roque, Saint Rita at Saint Therese of Avila, Saint Claire of Assisi, Saint Cristiana, Saint Bernadette at Saint Bridget, Saint Maria Helen Faustina Kowalska, Saint Maria Eugenia Elisabetta Ravasio, Saint Martin de Porres, Saint Pope John Paul II, Saint Pope Leo XIII, Saint Maria Eugenia Ravasco, Saint Josemaria Escriva, Saint Patrick of Ireland, Saint Nicholas, Saint Cecilia at Saint Agnes, Saint Matthew, Saint Luke, Saint Mark, Saint Santiago, Saint Peter, Saint Bartholomew, Saint Raphael, Saint Miguel, Saint Gabriel, Saint Michael, Saint Barachiel, Saint Urchiel, Saint Uriel, Saint Catherine de Siena, Saint Maria Peñafrancia, Saint Maria Niña, Saint Lorenzo Ruiz de Manila, Blessed Diego Luis de San Vitores, Blessed Eugenio Sanz-Orozco Mortera also known Jose Maria de Manila, Venerable Rev. Monsignor Alfredo María Obviar, Venerable Pauline Marie Jaricot, Venerable Mother Ignacia del Espiritu Santo Juco, Venerable Mother Francisca Del Espiritu Santo De Fuentes, Servant of God Mother Ines Joaquina Vicenta Barcelo Pages, Servant of God Jerónima Yañez de la Fuente of the Assumption, Servant of God Cecilia Rosa de Jesús Talangpaz ___________________________ [ Sabihin o Bigkasin ang Pangalan ] na makapagtatanggol at makapagpapatibay sa amin sa panahon ng kagipitan, problema o pagsubok. Hinihiling ko rin po, na kami ay Inyong turuan na mapaunlad ang aming kabuhayan upang makatulong kami sa aming Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Kasambahay, Kaibigan, Kapitbahay at higit sa lahat aming mga Anak para sa kanilang financial na pangangailangan, huwag din nawa naming makalimutan na mag-ipon ng kayamanan sa Kaitaas-taasan. Tulungan Mo po kami na makaiwas sa kataksilan sa kaloob ng kalikasan tulad ng katubigan, kalupaan at kalangitan laban sa kahibangan ng sangkatauhan. Nawa ang Kautusan at Kasulatan ng Kaligtasan at ang Kalooban ng ating Panginoon, ating Diyos, ating Hari, at ating Ama ng Awa ay bigyan kami ng pagkakataon na hilumin ang aming mga sugat, mapagaling ang aming pagkakasakit at karadaman. Nawa'y ang Inyong paggabay ay protektahan ang aming kaluluwa mula sa Kasamaan at sa oras ng aming kamatayan. Ganoon din naman ang mabuhay muli at maipanganak o isilang sa katawang-lupa ng sangkatauhan. Higit sa lahat ang umuwing pabalik sa Inyong Kaharian at Pamayanan. Amen.
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3X)
Ako po si ___________________________________________ na nakatira sa __________________________________ (Banggitin Ang Iyong Buong Pangalan at Tirahan Upang Sa Madaling Pagsagot at Matagpuan ang Inyong Location).
Dinggin Mo po sana ang aming mga pagsamo at kahilingan. Ganoon din ang aming mga pansariling panalangin tulad ng:
(Pakibanggit Ang Inyong Mga Kahilingan at Panalangin)
Aming isinasama at inililista na nawa’y ang inyong lingkod at alagad na sina Maria Corazon Cojuangco Aquino, Maria Andrea Montejo and Maria Aurora Antonia Aragon Molina de Quezon, William Thomas Cummings, Hermana Fausta Labrador, Pedro Peláez ‘Y Sebastián, Margarita Roxas de Ayala, Brother Egbert William Xavier, Laura Latorre Mendoza, Isagani Valle, Benjamin and Araceli Inocencio, Julio Xavier Labayen, Cardinal Ricardo Tito Jammin Vidal, Ivan Rolfe Banaag, Adoracion "Dory" Toñega, Cardinal Jaime Lachica Sin, Dr. José Protasio Rizal Mercado y Realonda, The GomBurZa Priest - Rev. Father Mariano Gómez de los Ángeles and Rev. Father José Apolonio Burgos y García with Rev. Father Jacinto Zamora y del Rosario, The Familia of Silvallana Forca Jamilano Portes - Gilda Silvallana Forca Jamilano Portes ‘Y Arellano at kanyang mga anak, kasama ang kanyang kapatid na si Jessica Silvallana Forca Jamilano Portes, Milagros Jamilano Portes at kanyang ina na si Juana Jamilano Portes at marami pang iba na ngayon ay kandidato para sa pagiging “Banal na Santo at Santa ng Inyong Simbahan” at higit sa lahat mapabilang, makapasa sa mga hinihiling na requirement at maging karapat-dapat na maglingkod sa Inyong Kaharian at Pamayanan. Nawa’y kanilang masilayan at makamtan ang lahat ng kapakinabangan ng kanilang katapatan at kalakip ang mga pangako ng ating Panginoong Diyos Ama ng Awa sa lahat ng Inyong mga Anak. Nawa’y ang lahat ng kanilang mga gawa ng kabutihan, himala at kasagutan sa aming mga kahilingan, pagsamo at panalangin ay ibilang po Ninyo sa kanilang karangalan at sa Inyong anak na si Jesus. Sa Inyong pagkalinga at patnubay aming Panginoon, aming Diyos, aming Hari, at aming Mahal na Ama ng Awa sa Kaitas-taasan. Amen.
Papuri at Pasalamat sa Inyo, Ganoon din ang Kaluwalhatian magpakailanman. Aming Walang Hanggang Ama ng Awa, Ina, Anak at Espiritu Santo. Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen. (3X)
Kaisa ng lahat ng DIYOS AMA at ng DIYOS INA. Amen.
Sa pangalan ng Ama, ng Ina, ng Anak at ang Banal na Espiritu Santo. Amen
No comments:
Post a Comment